How To

Paano mag-apply ng NBI Clearance?

Kapag tayo ay mag-aapply ng trabaho, isa sa hahanapin sa atin ay ang NBI Clearance. Mas mabilis na at maayos na ang pagprocess ng ating NBI Clearance ngayon. Kasi pwede na mag-apply online. Dati kasi, kailangan pumunta ka sa NBI Office ng maaga kasi mahaba ang pila. Ngayon, hindi ka na mapapagod sa pagpila. Kaya ngayon, tutulungan ko kayo kung paano mag-apply ng online NBI Clearance.

I-click ang link na ito para pumunta sa NBI Clearance website.

nbi1

Kung wala pa po kayong account, i-click niyo po ang SIGN UP. Ito po ang lalabas:

register

Pagkatapos, i-click niyo pa ang drop down list sa Application Type at piliin ang NEW. Then, pakifill-out po ang form na lalabas at ito po yun:

new-applicant.PNG

Kapag nakumpleto niyo na po ang information na hinihingi, huwag niyo po kalimutan i-check ang “I ACCEPT TERMS OF SERVICE”. Pagkatapos po, i-click niyo na po ang Sign In.

Bago po kayo makapag-login sa NBI Account niyo po, kelangan po muna i-verify ang inyong email address. Mag-login po sa inyong e-mail at i-click ang Activate Account.

Verify.PNG

Then, mag-sign in na po kayo sa inyong NBI Account.

Kailangan niyo po kumpletuhin ang NBI Online Application Form.

Form.PNG

‘Pag nakumpleto na po ang information, i-click lang po ang Save Information.

Paki-check po ang information na nilagay niyo po at kung may mali, i-click lang po ang

edit

At huwag kalimutang i-click ang Save Information kapag okay na. Tapos i-check niyo po ulit ang information kung wala na pong mali. Kapag okay na, i-click niyo po ang

apply.PNG

Ilagay niyo po ang ID (Identification Card) na gagamitin ninyo sa pagclaim ng inyong NBI Clearance (e.g. SSS, GSIS, Driver’s License, Passport, etc.). At i-click ang “I Agree”.

id.PNG

May bagong window po na mag-aappear at pakibasa po ng mabuti ang mahalagang paalala.

reminder.PNG

Pagkatapos niyo po basahin, i-click po ang Close.

Then, mapupunta po tayo sa pag-schedule ng appointment sa pagkuha ng NBI Clearance at sa pamamagitan po nito ay tayo po ang bahala kung kailan po kukunin ang NBI Clearance.

sched.PNG

Select NBI Branch, piliin nyo po kung saan yung mas malapit sa inyo. Pumili din po kayo kung anong petsa kayo pupunta at kung AM or PM. I-click niyo lang po yung blue box sa loob ng petsa na pinili ninyo. Select then po kung anong purpose kung LOCAL or ABROAD. Tapos yung Purpose Details, pili din po kayo kung para saan po yung NBI Clearance ninyo. Kung para po sa trabaho dito lang sa Pilipinas, LOCAL EMPLOYMENT po piliin ninyo. Pagkatapos, makikita niyo po kung magkano babayaran ninyo. Kung halimbawa po sa LOCAL EMPLOYMENT, P140 po ang babayaran (P115 para sa NBI Clearance at P25 para sa charge sa e-payment service kaya P140 po ang total na babayaran niyo po). Makikita niyo rin po na may 5 options para bayaran ang NBI Clearance:

  • Bank Over the Counter – you need to go to accredited banks such as BDO, Metrobank and BPI to pay your NBI Clearance. In this type of Payment method for NBI Clearance, a service fee will be charged to your NBI Clearance. For BDO transactions, they charge an additional P25 for over the counter payment while P50 are charged when you pay through BPI.
  • Online Bank – you can pay online using your Online Banking app such as BDO Internet Banking, BPI Express Online, Chinabank Online, Metrobank Direct, RCBC Access one, Unionbank EON/Internet Banking & UCPB Connect. Just like over the counter payment, a service fee will be charged to your NBI Clearance. The amount varies from P40 to P100 depending on the Bank where you are transacting.
  • Mobile Payment – you can also pay using your GCASH. A service fee will be charged accordingly.
  • Bayad Center – you can proceed and pay to various BAYAD CENTER outlets or to their partners like Cebuana Lhullier, SM Savemore, LBC, Robinsons, eBiz, Petnet, Landmark, Waltermart, Isetann, Sta. Lucia East Mall, USSC and selected branches of Villarica Pawnshop, Palawan Pawnshop, Prime Asia Pawnshop, 2go Express, Tambunting Pawnshop, Raquel Pawnshop, DIrect Agent 5, CVM Pawnshop, Sinag Pawnshop, San Roque Supermarket, Luzon Development Bank, Citystate Bank, Go Beyond Expectation Remittance Ci., and more. Just like the others, a service fee will be charged accordingly.
  • MultiPay – you can proceed and pay to any MultiPay outlets.

Para sa akin po, ang pinakamainam ay yung pagbayad sa Bayad Center. Ipapakita ko po dito yung proseso. I-click po ang blue box na nakasulat yung Bayad Center. Tapos ito po ang lalabas. Basahin po ng maigi. Pagkatapos po ay i-click na ang Proceed.

reminder2.PNG

At lalabas po yung payment details. Ito po yun:

payment2

Tapos po ay i-click yung Proceed to Payment. Pagkatapos po ay lalabas na yung Reference Number. Ganito po:

refnumber

Pagkatapos po ay i-click ang close at babalik po kayo dun sa Application Menu. At para magprint ng Payment Instruction para maidala niyo kung magbabayad na kayo sa Bayad Center, i-click lamang po ang Transactions sa left side menu. Tapos, i-click lamang po ang Payment Instruction:

paymentinstruction

At lalabas po yung Payment Instruction na pwede niyo po dalhin kapag magbabayad na po kayo sa Bayad Center.

dragonpay

At pwede na po kayo pumunta at magbayad sa Bayad Center. At siguraduhin niyo po yung resibo at wag iwawala kasi yun din po ang gagamitin ninyo sa pagclaim ng inyong NBI Clearance kasama ang inyong ID na inilagay niyo po dito sa pag.apply.

Kapag nakapagbayad na po kayo sa Bayad Center o sa kung alinmang Payment option ang ginamit ninyo, pwede na ninyo i-process ang clearance niyo sa NBI Clearance Office.

Pag punta niyo po sa NBI Clearance Office, magtanong lang po kayo kung saan kukuha ng clearance. Ituturo po kayo kung saan at kung anong window ninyo ibibigay yung ID at resibo ninyo. Pagkatapos ay hihingan kayo ng ID at yung resibo sa pagbayad. Then, kukuhanan kayo ng biometrics (picture at fingerprints). Tapos, maghihintay lang ng saglit para i-print na ang NBI Clearance at tatawagin na ang pangalan niyo tapos makukuha niyo na ang NBI Clearance niyo agad.

Ang nakakalungkot lang eh kung HIT kayo. Kasi maghihintay kayo ng mga 2 weeks bago makuha ang NBI Clearance. Kung wala ka namang kaso eh wala kang dapat ipag-alala. Katulad sa akin, palaging HIT. Kaya lagi nghihintay ng 2 weeks or 15 days bago makuha ang clearance. Masaklap. Pero okay na rin kasi makukuha ko rin naman. 🙂

Sana po ay nakatulong po ako sa inyo. Please share or leave a comment. Maraming salamat po! 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s